HINDI muna pumasok si Sam sa trabaho at nanatili pa rin sa bahay kasama ang asawa habang nag-aayos ng ibang kagamitan sa bahay na pinamili nila na kulang daw sa bahay ang sabi ng asawa niya kaya ngayong araw ay nag-aayos sila ng kusina at susunod naman ay ang sala at ang kwarto nila. Maaga nga siyang ginising ni Polla at gusto pa sana niyang angkinin ito pero tumanggi ito dahil may aayusin pa raw sila matapos mag-agahan. Habang hinihugasan ni Sam ang mga plato, baso at kutsara na binili nila ay si Polla naman ang naglalagay sa mga lagayan at isusunod pa nila ang paglilinis ng iba pang kitchenware na binili nila. Bakas ang saya sa mukha ni Polla kahit sa simpleng ginagawa na pinagtutulungan pa nila at kahit siya ay sumasaya dahil napapasaya niya ang asawa. Nang sumapit ang tanghalian ay

