HINDI makapaniwala si Polla sa ipinagtapat ni Migo sa kaniya ngayon at wala man lang alinlangan itong sabihin sa kaniya samantalang asawa siya ng kapatid ni Migo. Pero inalis din kaagad ni Polla ang iniisip at ngumiti naman kay Migo para maalis ang ilang na nadarama para kay Migo. "Baka ibang pagmamahal ang tinutukoy ni Migo. Baka mahal niya ako bilang kapatid o kaibigan," tugon ng isip niya. Dahil imposible naman na higit pa sa kapatid ang pagmamahal na tinutukoy ni Migo kasi kailan man ay hindi niya naman naramdaman ang pagmamahal nito na higit pa sa kapatid. "M-mahal din kita, Migo. Para na kitang nakakatandang kapatid na tinulungan ako noon—“ "Mahal kita bilang isang babae, Adrienne. Noon pa man na naging magkaibigan na tayo ay minahal na kita pero inunahan ako ni Dylan dahil alam

