INALALAYAN si Polla ni Sam patayo at dahan-dahan silang umalis sa kamang nasira dahil sa pagtatalik nila. Nakangisi pa si Sam habang tinitignan ang kama saka niyakap siya nito sa bewang. “Mukhang kailangan nating bumili ng bagong kama. Iyong matibay at hindi bibigay kapag nagtatalik tayo,” sabi ni Sam sa kaniya habang hinahalikan ang balikat niya. “Matagal na kasi ang kamang iyan. Bata pa ako kama ko na iyan at dahil walang tao dito baka inanay na kaya bumigay ngayon,” tugon niya. “At least kahit sa huling buhay ng kama mo ay naging maganda at unforgettable pa rin ang alaala mo sa kaniya. Biruin mo pinatapos muna niya tayong maabot ang sukdulan bago siya sumuko at bumigay,” nakangiting tugon ni Sam sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ng asawa. “Oo nga at naabutan mo pa siya,” ayon

