SUBALIT inakala ni Polla na ganoong kadaling gawin iyon at hindi na siya magpapadala muli sa galit. Isang linggong nakakalipas nang pang-aaway niya kay Sam ay heto na naman siya at umaapoy sa galit habang hawak ang cell phone ng asawa at may nabasang chat doon mula sa kaklase ni Goldie, na nagpapagawa ng system sa asawa niya. Nakita na ni Polla ang tatlong babaeng nagpapagawa kay Sam dahil minsan ay sinama ni Goldie sa bahay nito ang mga iyon at ipinakilala sa kanilang mag-asawa. Pearly ang pangalan ng babaeng nag-chat kay Sam at natatandaan niya na magandang babae iyon na may maputi at makinis na balat at sexy na pangangatawan. Nanginginig ang kalamnam niya nang umagang iyon habang nasa kwarto at nasa labas at nasa labas naman ang asawa, nililinis ang tricycle nito. Pearly: Hindi ko

