TUTOK sa computer si Polla habang mabilis na nag-ta-type ang mga kamay niya sa keyboard. Alas-dos na ng umaga pero hindi pa rin niya naisipang matulog at para hindi siya dalawin ng antok, ay iniinuman na lang niya ito ng kape na ngayon ay paubos at nakapatong sa mesa na kaharap niya. Nasa opisina siya ngayon ng bar ni Emerald at siya ang nag-aasikaso ng bar na iyon sa Palawan. Doon na muna siya namalagi matapos niyang umalis sa Maynila at nagdesisyong iwanan si Sam, limang-buwan nang nakakalipas. Bumalik na naman tuloy sa ala-ala niya noong napagdesisyon siyang tuluyan niyang iwanan si Sam at kung gaano kahirap sa kalooban niya na iyon ang maging desisyon niya. Flashback "SIGURADO ka na ba talaga diyan sa desisyon mo, Polla? Wala na bang atrasan iyan?" naniniguradong tanong sa kaniya n

