TULALA si Polla habang inaantay ang pagdating ng pinsan niyang si Emerald sa labas ng subdivision na tinitirhan nilang mag-asawa. Hindi niya man lang naramdaman ang kotseng huminto sa harapan niya at bumaba na driver ng kotse. "Polla!" nag-aalalang boses ang narinig niya at pagtingin niya ay si Emerald na iyon. "Erald," garalgal na tawga niya sa pinsan. Kaagad na niyakap ni Polla si Emerald nang lumapit ito sa kaniya at napahagulgol na siya na para siyang batang umiiyak at kahit napapalakas na ang hagulgol ay wala na siyang pakealam pa. "What happened to you?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng pinsan pero hindi na niya nagawa pang magsalita dahil hindi pa niya kaya at tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin sa ngayon. Nang huminahon na siya ay hinila na siya papasok ni Emerald sa

