Naaawa ako sa kaniya dahil nagpapatyagaan niya ang ugali ng Ama ko. “Nawalan na ako ng ganang kumain,” sabi ko at saka tumayo. Maglalakad na sana ako nang magsalita na naman si Dad. Hindi naman kami ganito sa tuwing magkikita kaming dalawa, malamig siyang makitungo sa akin pero hindi ganito. Hindi ko alam kung ano ang pumaso sa isip niya ay nagkakaganito na naman siya. “Dadalhin mo siya sa akin, gusto ko siyang makita at makausap dahil mukhang mas maganda kung siya ang mapapangasawa mo—” “I said respect my privacy, you’re my father but I’m not your f*cking robot,” sagot ko rito. Malakas niyang hinampas ang lamesa at galit na tumingin sa akin. “Ganiyan ka na ba talaga?! Bakit?! Dahil may ipagmamalaki ka na?!” malakas na tanong nito. “‘Wag mong idadamay ang mga bagay na meron ako ngayo

