MARIO’s POV Pagkatapos kong matapos ang mga papeles na ipapadala ko sa Canada, sa isang branch ng business ko ro’n. Hindi na ako makakapunta ro’n dahil sa dami ng trabaho ko rito sa Pilipinas, nandoon naman ang secretary ko kaya siya na ang mag-aayos ng mga kailangan trabahuhin doon. Nakauwi na sina Dad at Mama sa Pilipinas kaya kailangan ko nang umuwi sa mansion, ayaw ko man kailangan ko silang harapin. Kahit na magkaribal kami ng Ama ko pagdating sa mundo ng negosyo, hindi nagbabago ang relasyon naming dalawa bilang mag-ama. Dumiretso ako sa condo ko para makapagpahinga muna kahit saglit. Habang nagmamaneho nay pumitik sa isip ko si Sandra. Hindi ko alam ang mararamdaman ko no’ng makita ko siya, ang laki ng pinagbago niya, muntik ko na siyang hindi makilala dahil nag-matured ang mu

