Nararamdaman kong magpa-panic na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin at alam kong hindi ko magagawang lumaban sa kaniya kaya sinubukan kong magpumiglas. Kahit na sino tulungan niyo ako. Parang araw niyo na, kahit na sino. “You’re trembling,” anang lalaking nakayakap sa akin. Nasa mismong tainga ko ang kaniyang bibig dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ng tenga ko. Pinakawalan niya ako kaya naman agad akong dumistansya sa kaniya. Kunot ang noong tumingin ako sa kaniya. “What are you doing here?” tanong ko rito. Napahawak ako sa aking dibdib at hinabol ang hininga. “You scared me!” “Tss, nag-check in ako rito dahil may kailangan akong tapusin na may papeles bago umuwi sa Manila

