Nakahawak ako sa ulo ko habang naglalakad palapit sa kama ko. Nakakaramdam ako ng hilo at ngayon lang ay kalalabas ko lang sa banyo dahil nagsuka ako pero wala naman akong isinuka bukod sa tubig. Ilang araw na akong ganito, hindi maayos ang pakiramdam ko kaya mas pinili kong humiga muna ulit sa kama at ipikit ang mga mata. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, mag-iisang linggo na akong magigising na lang bigla at tatakbo papunta sa banyo para sumuka. Kung minsan naman ay naduduwal ako kapag may mga naaamoy akong kakaiba. Katulad no’ng nakaraang magluto ng paksiw na isda si Nanay, ang baho at halos hindi ako nakakain. Napabuntonghininga na lang ako. Apat na linggo pa lang simula nang makalabas sa hospital si Nanay Elena tapos ngayon ay mukhang ako naman ang papasok doon. Wala namang i

