Ano ba ang nangyayari sa akin? Naiiyak ako dahil sa sobrang sarap ng kinakain ko ngayon. Sobra kong naa-appreciate ang pagkain ko ngayon kaya nakatapos ako ng pagkain habang umiiyak. Kanina pa naiinis sa akin si Ume dahil ayaw kong huminto sa pag-iyak mabuti na lang at may nakita akong saging kanina kaya naman nahinto ako sa pag-iyak at ‘yon ang ginawang libangan. Nagbalat ako ng isa habang si Ume naman ay naghuhugas ng plato sa harap ko. “Alam mo Sandra, natatakot na ako sa ‘yo. May kakaiba sa mga ikinikilos mo. Baka mamaya ay naengkanto ka na rito.” Tinitigan ko ang saging na wala ng balat. Imbis na kainin ay inilapag ko lang ‘yon at kumuha ulit ng saging para balatan ulit. “Mamaya ay may nakain kang hindi maganda tapos naging aning ka na.” Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko, natu

