I’m dead… I’m so dead. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Medyo tumataba ‘yong mukha ko. Napaparami na kasi ang pagkain ko. Normal lang siguro sa mga buntis ‘to. Lumapit ako sa kama ko at inangat ang foam non upang kuhanin at tingnan muli ang pregnancy na ginamit ko no’ng nakaraang araw. Hindi pa rin ako makapaniwala. Talaga bang lahat ay nagdalawang linya, talagang hindi ko na maitatanggi na baka pregnancy false lang. Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung paanong sasabihin ang tungkol sa bagay na ‘to sa mga kasama ko. Lalo na kay Ume. Hindi naman p’wedeng habang buhay kong itago ‘to dahil lolobo at lolobo ang tiyan ko at siguradong magtatanong sila kung sino ang ama nito. Napahawak na naman ako sa bibig ko at tahimik na umiyak. Ano na ang gagawin ko? Ilang ar

