Hindi… si Emerald? Siya na ba si Emerald? Si Emerald ba talaga ang babae na nasa harap ko? Napakaelegante niyang tingnan kaya naman nangingibabaw siya sa paligid at dahil doon ay pinagtitinginan siya ng mga tao. “You must be Sandra?” tanong nito. Bahagyang tumaas ang kaniyang isang kilay bago tingnan ang aking kabuoan. Napalunok na lang ako. Pati ang kaniyang pagsasalita. “Sandra,” tawag sa akin ni Mike. Ngumiti ang babae na nasa harap ko. “I knew it,” bulong nito. “Ano’ng kailangan mo sa akin?” mahinahong tanong ko. “Kilala mo siya?” tanong ni Mike pero hindi ko nagawang lingunin at sagutin ang lalaki. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa babaeng nasa harap ko. “Nothing, just wanna meet you in person,” sarkastikong tanong nito at muling napalunok. Kinakabahan ako. Hindi kaya… hind

