Nakakainis. Kahit ni minsan ay hindi man lang nila ako tinanong kung masaya ba ako sa naging desisyon nila, kung okay lang ba sa akin ang pinaggagagawa nila? Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Napakakumplikado na ng lahat. “Hindi ako nagkamali ng babaeng napili para sa ‘yo,” sabi naman ng Ama ko. “Bagay na bagay kayong dalawa at mukhang ngayon palang ay mahal na mahal niyo na ang isa’t isa.” Ano ba ang kailangan kong sabihin? Kailangan ko bang magpasalamat dahil sa mga ginagawa nila ngayon? Kailangan ko bang matuwa? Paano kong magagawa ‘yon kung kasalungat ng mga ‘yon ang gusto kong sabihin at ang nararamdaman ko ngayon. “Yes,” tipid na sagot ko na lang. “Si Sandra rin ay lumalaki na,” panimula ni Dad. Sa sinabi niya palang ay agad na akong kinutuban nang masama k

