Sandra's POV SANDRA’s POV Nakatingin lang kaming lahat kay Kuya Mario at hinihintay ang sasabihin niya. Nakatingin lang siya sa akin, sa mga mata ko nang ibuka na niya ang kaniyang mga labi at magsimulang magsalita. “Sandra…” mahinang bigkas niya sa pangalan ko at sa ginawa palang niyang ‘yon ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. “I helped her in her acads,” anito. Unti-unting naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto ko na siyang patigilin sa pagsasalita niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Ume sa kamay ko pero hindi ko nagawang tingnan siya. Nanatiling na kay Kuya Mario ang mga mata ko. “Kaya siya nakakakuha ng matataas na marka ay dahil sa akin.” Napakagat na lang ako sa aking labi. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sa akin sina Mama at Papa d

