Gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero hindi ko magawa. Para na akong itinulos sa p’westo ko ngayon. Nang dumistansya sa akin ay habol ko ang aking hininga habang nakatingin sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko habang nakatingin sa kaniya. “It became tastier,” bulong nito. “Just wanna know kung totoo nga ang sinabi mo, kung talaga bang nagbago ka na ang mukhang tama ang sinabi mo.” Hindi pa rin siya tumatayo nang diretso at nanatili pa rin siyang nakatunghay sa akin. Umangat ang gilid ng kaniyang labi bago ito dilaan. “Maniniwala lang ako na nagbago ka kung maririnig kitang sumisigaw sa ilalim ko.” Parang may sariling isip ang aking kamay na lumapat ito sa kaniyang pisngi dahilan upang mapabaling ang kaniyang mukha. “Hindi na mangyayari ang bagay na ‘yon,” sabi ko rito

