Natutuwa rin ako dahil mukhang masaya na rin siya sa babaeng pinagkakaabalahan niya ngayon, hindi ko pa man nakikita ‘to sa personal pero mukhang mahal na mahal naman nila ang isa’t isa, nakikita ko sa mga mata ni David. Kaya kampante na rin ako na magkaibigan lang talaga kaming dalawa. Bumalik ako sa kubo upang maglinis at maligo, hindi na ako nakasabay kanina kay Nanay Elena kanina papunta sa palengke dahil nandito pa si David. Nagmamadali na nga ako dahil baka mamaya ay nahihirapan na ro’n si Nanay, nasabi pa naman niya na hindi niya makakasama si Mang Kanor dahil may service ito ngayon. Sinabi ko naman sa kaniya na susunod ako sa kaniya sa palengke kapag nakauwi na si David. Nang malinis ko na ang bahay ay naligo na ako at nagmamadaling pumunta sa palengke. Mabuti na lang at may nas

