Magmula no’ng araw na ‘yon, napagtanto ko na ayaw kong nakikitang umiiyak ang kapatid ko. Ayaw kong nakikitang lumuluha ang magaganda niyang mga mata at ayaw kong hindi nakita ang kaniyang mga labi. Hindi ganon ang Sandra na kilala ko at napakag*go ko para maging dahilan ng pag-iyak niya. Kaya simula no’ng araw na ‘yon, hindi ko na hinayaan na makita siyang umiiyak, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na siya paiiyakin dahil nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ko alam, sa tuwing nand’yan siya sa paligid ko hindi na nagiging normal ang pagtibok ng puso ko. Nagwawala ito sa tuwing malapit lang sa akin si Sandra, kapag nakikita ko na ang babae, halos ayaw ko nang ialis sa kaniya ang mga mata ko. Gusto ko na lang palagi siyang nakikita at pinapanood sa lahat ng

