Hinaplos-haplos ko ang pisngi ni Sandra habang pinagmamasdan siyang matulog. Ayaw kong mawala sa akin ang babae na ‘to. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala siya sa akin. Siya lang ang bukod tanging tao na nagpahalaga sa akin, no’ng dumating siya ay nagkaro’n ulit ako ng rason para magpatuloy sa buhay. Ayaw kong masaktan siya, ayaw kong mawala ‘yong matamis na ngiti sa kaniyang mga labi sa tuwing nakikita ako, ‘yong masayang mata niya habang nakatingin sa akin, gusto kong nakikita ang mga ‘yon. Masyado nang napalapit sa akin si Sandra at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nalayo ako sa kaniya. Gusto kong makasama siya, hindi lang ngayon… I want to be with her forever. It was years ago, hindi ko na mabilang, hindi ko na maalala kung ilang taon na ang n

