KM16: DATE?

1004 Words

Dahil walang pasok ngayon at wala kaming ginagawa, napagpasyahan namin ni Kuya Mario na ngayon na magpunta sa mall para bumili ng bagong laptop ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. Minsan lang kasi mangyari ang ganito, ‘yong lumabas kami ni Kuya dahil kadalasan ay buong weekend lang siya nasa k’warto niya at abala sa mga ginagawa niya. Pumasok kami sa isang shop kung saan bumili noon ng laptop si Kuya. “Pumili ka ng gusto mo,” sabi sa akin ni Kuya Mario habang tumitingin na kami sa mga unit ng laptop. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa naggagandahang mga laptop na nasa harap ko pero napapalunok ako sa tuwing mahahagip ng mga mata ko ang presyo nito. Hindi naman kasi totoo ang sinabi ni David na mayaman ako, ang totoo niyan ay si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD