Sandra's POV “Yeah, may kasama ako, Emerald. I’m sorry,” malambing na sabi ni Kuya Mario. Napakagat na lang ako sa aking labi. Nagiging malambing ang kaniyang boses sa tuwing ako ang kinakausap niya kaya hindi ko alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa at gano’n kung makapagsalita si Kuya. “Oh, sad, pero p’wede tayong mag-date sa ibang araw? You know, I want to know you more,” anang babae na tinatawag ni Kuya na Emerald. “Yes, of course, Emerald. I will message you kung kailan, susunduin na lang kita sa bahay niyo,” sagot naman ni Kuya. Date? Nagda-date sila? Ano ba talaga sila? Imposible naman na girlfriend siya ni Kuya dahil wala naman siyang sinasabi sa akin na may girlfriend siya. ‘O baka naman hindi niya lang sinasabi na may girlfriend na siya?’ Nanigas ako sa kinatatayu

