KM18: LASING SI KUYA

1701 Words

Sandra's POV Nakaramdam ako ng awa kay Kuya Mario Palagi ko siyang nakikita na okay, palagi lang siyang normal sa paningin ko. Ang akala ko ay hindi siya nakakaramdam ng pagod. ‘Stup*d, he’s not a robot.’ Napailing na lang ako. “Sandra…” rinig kong tawag ni Kuya sa pangalan ko kaya nabalik ako sa ulirat. “Kuya? Kaya mo bang umakyat sa kama mo?” tanong ko rito. Sinimulan kong tanggalin ang pagkakabutones ng polo na suot niya. “Para makapagpahinga ka nang maayos.” “Sandra…” tawag niyang muli sa akin. “I’m here, Kuya.” “Don’t leave me…” bulong niya. Saglit akong natigilan. “Hindi… hindi naman kita iiwan kaya sana ay ikaw rin, ‘wag mo akong iwan…” Idinilat niya ang kaniyang mga mata at tiningnan ako. Ngayon ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang pagod at naaawa ako sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD