MARIO’s POV “I miss you so much, Mario,” Emerald said. We’re here in her favourite fancy restaurant. Makailang beses na kasi niya akong tinatawagan at mine-message para ayain na mag-date o kaya ay mag-lunch with her. Ang totoo niyan ay iniiwasan ko siya nitong mga nakaraang araw because I want to spend my time with Sandra pero ang kulit talaga niya. “I’m sorry, I’m too busy these past few days, alam mo naman na may mga trabahong iniiwan sa akin si Dad kaya talagang hindi kita mapagbigyan kung minsan,” paliwanag ko sa kaniya dahil baka mamaya ay magtampo ‘to at magsumbong kay Dad. Ayaw ko namang dumagdag pa ‘to sa iisipin ni Dad. “Yeah, that’s okay, I understand naman pero bakit ba kasi ayaw mo akong i-invite sa bahay niyo? Para ro’n na lang tayo mag-date or mag-bonding,” suhest’yon ni

