KM58: RIVALS

1039 Words

Sumakay ako sa tricycle at nagpahatid sa bahay namin ni Nanay Elena. Umuwi muna ako para kumuha ng mga gamit at para na rin tawagan si Ume, sigurado akong mag-aalala na naman siya kapag nalaman niyang na-Hospital si Nanay Elena. Nang makarating ako sa bahay ay inaasahan kong wala na ro’n ang mga taong naging dahilan kung bakit na-Hospital si Nanay pero parang umakyat sa ulo ang lahat ng dugo ko nang maabutan ko pa sila ro’n. “Ang titigas din talaga ng pagmumukha niyo, nagawa niyo na nga kaming saktan, nagawa niyo pa ring manatili rito,” galit na sabi ko sa mga ‘to. Salubong na salubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila. Natigilan sila at napatingin sa akin. “Aba, nandito na pala ‘yong hinihintay natin, Boss,” sabi ng isang mukhang bakulaw. Malaki ang tiyan at ang pangit ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD