Tumingin sa akin si Mike at tipid na ngumiti bago kuhanin ang bulak na hawak ko. “Ako na, Sandra, kaya ko na ang sarili ko,” sabi nito at sinimulang gamutin ang sarili. Tumayo ako at tiningnan ang lalaki na nakatayo sa may pinto habang nakasandal sa pintuan, tiningnan ko siya at saka inirapan bago puntahan ang mga gamit na inayos ko kanina dadalhin ko sa Hospital. Habang inaayos ang mga gamit ay naisipan kong tanungin ang dalawang lalaki kung bakit sila nandito. “Bakit nga pala nandito kayong dalawa? May kailangan ba kayo kay Nanay Elena?” tanong ko habang abala sa pag-aayos ng mga damit ni Nanay. Hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod ako sa kanilang dalawa. Ilang minuto ang binilang ko at walang nagsasalita sa kanila kahit isa kaya naman umayos ako nang tayo at tiningnan silang dal

