“Hindi na makatao ang ginawa nila, kakausapin ko si Papa tungkol dito para naman maitawag niya ang problema niyo sa kakilala niyang abogado,” suhest’yon ni Mike. “Kailangan na magawan agad ng aksyon ‘to dahil baka mamaya ay balikan kayo ng mga tao na ‘yon at saktan na naman kayo.” “No, ako na lang ang mag-aayos ng gulo na ‘to. Kakausapin ko ang abogado ko, mas mapapabilis ang proseso nito kung sa Manila aayusin,” kontra nito sa sinabi ng lalaki. “Hindi lang ang mga lalaki kanina ng kalaban niyo rito kung ‘di pati na rin ang mga tao sa gobyerno rito.” Natahimik silang dalawa at nagtitigan lang. Ang dami ko nang iniisip ay dumagdag pa ang dalawa na ‘to, para silang mga bata na nagpapaligsahan. Napapikit na lang ako at napabuntonghininga bago tumayo para harapin silang dalawa. “Salamat sa

