“Nako, mabuti na lang at nandito ka, Mike!” ani Aling Osang na nanunukso ang tingin sa aming dalawa. “Para kayong mag-asawang tunay.” Napangiwi na lang ako sa sinabi ng babae. “Aling Osang, wala pa po sa balak ko ang mag-asawa lalo na at may sakit si Nanay, gusto ko siyang paglaanan nang maraming oras,” kontra ko. “Sus, Sandra, tumatanda ka na at mas maganda rin ‘yong may katuwang sa buhay, ayan naman si Mike, palagi lang naman siyang nand’yan para sa ‘yo,” panunukso pa nito. Tiningnan ko si Mike na abot tainga ang ang ngiti kaya mas lalo akong napangiwi. “Saka na lang po, baka tumanda na lang din ako ng dalaga tulad ni Nanay Elena,” sabi ko at tinalikuran na silang dalawa dahil marami na ang bumibili sa amin. Sa tuwing magkasama kami ni Mike ay palagi kaming napagkakamalan na magnobo

