Nang maisandal ko ang likod ko ay agad akong nakaramdam ng kaginhawaan. “Bakit naman hating gabi ka umuwi? Ang akala ko ay mamayang madaling araw pa?” “Si Ume na lang ang iniwan ko ro’n dahil isa lang ang tulugan na meron doon sa k’warto ni Nanay, kailangan ko rin nang pahinga at wala akong tutulugan doon,” paliwanag ko rito at humikab. “Gusto ko na rin makatulog nang maayos.” Tahimik lang kami buong byahe, kung minsan ay napipikit na ako pero nilalabanan ko ang antok ko hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Panay na ang hikab ko dahil sa antok. Anong oras na rin kasi. Lalabas na sana ako nang mapansin kong hindi gumagalaw sa kinauupuan niya ang lalaking kasama ko kaya nilingon ko siya. “Ikaw? Saan ka pa ba uuwi?” tanong ko rito. “Okay lang ako, magpahinga ka na,” sagot nito, h

