‘Umaga na pala.' napabulong ako sa isip ko. Hindi ko na maalala kung anong oras akong nakatulog kagabi. Ipinikit ko ang mga mata ko para alalahanin ang mga nangyari pero ang tanging naaalala ko na lang ay no’ng tinanong ko si Mario kung kumusta na sila, pagkatapos no’n ay hindi ko na maalala ang mga naging sagot niya sa akin. “Sandra? Sandra? Sandra?” Nagising nang tuluyan ang diwa ko nang marinig ko ang pagtawag ni Mike sa pangalan ko sa bintana ng bahay ko. “Sandra? Natutulog pa ‘ata siya…” Napangiti na lang ako bago bumangon at lumapit sa bintana upang silipin siya ro’n. Nakita ko siyang nakatayo sa labas at nakatanaw sa may bintana ko kaya naman naglakad ako palabas upang patuluyin siya. Paglabas ako sa sala ay wala ng tao ro’n. Wala na rin ang mga ginamit niyang unan at kumot. Sag

