Namilog na lang ang aking mga labi nang makapasok na kami nang tuluyan sa loob ng condo ni Mario. Kung sa labas palang ay elegante na ang itsura nito, ngayong nakapasok na ako sa mismong condo niya, halos malaglag na ang aking panga. Triple ‘ata ang laki nito kumpara sa condo ni Ume, magagandang kagamitan na masasabi mo talagang mamahalin at pangmayaman. Kumpleto sa mga kagamitan, maganda ang pagkakadisenyo ng bawat gamit na makikita sa loob ng silid, mga painting na gawa ng sikat na mga artist. Maaliwalas ang aura sa paligid, malamig, at nagiging komportable na agad ang katawan ko sa lugar na ‘yon. Kulay crema ang karamihan sa mga gamit na nakikita ko. Napatingin ako sa kasama kong lalaki nang ibaba na niya ang mga dala niyang gamit. “Ikaw lang ang nakatira mag-isa rito?” manghang t

