Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang pisngi at nagsalita, “Ihahanda ko lang ang kakainin natin, maghintay ka na lang doon,” anito na nanatiling nakatalikod sa akin. Imbis na sundin ang sinabi niya, kabaliktaran n’on ang ginawa ko. Naglakad ako palapit sa kaniya. “Ume, ayaw kong umalis dito nang hindi tayo nagkakausap nang maayos. Ayaw kong iwan ka na walang maayos na naging desisyon, gusto kong malinawan bago ako tuluyang sumama kay Mario,” mahabang pahayag ko rito. “Ayaw kong sumama sa kaniya na iniisip kung ayos lang ba sa ‘yo ang naging desisyon naming dalawa.” “Desisyon mo ‘yan, wala akong magagawa kung ano ang magiging desisyon mo dahil hindi naman kita kontrolado at may karapatan kang magdesisyon dahil buhay mo ‘yan.” “Pero ikaw ang nakasama ko sa loob ng limang taon, Ume, tama

