Hindi naman ako nagtagal sa loob ng Hospital, kinabukasan lang din ay nakalabas na ako. Dumiretso muna kami sa condo ni Ume dahil nandoon ang mga gamit ko. Ngayon na ayos na kami ni Mario, napagpasyahan namin na magsama na tulad nang gusto niya para masubaybayan niya rin ang pagbubuntis ko. Gusto niyang siya ang mag-alaga sa akin habang nagbubuntis ako, gusto ko rin na siya ang makasama ko habang pinagbubuntis ko ang magiging anak namin. Walang kapantay na kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyayari. Pero hindi pa namin nasasabi sa iba ang napag-usapan namin ni Mario kaya naman uuwi muna kami sa condo ni Ume para maipalam sa kanila ang mangyayari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanila ang tungkol sa bagay na ‘to, lalo na kay Ume. Mukhang hindi pa

