“Hindi ko intensyon na saktan ka, kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin na sabihin sa kanila ang mga kasinungalingan na ‘yon, sabihin sa ‘yo ang walang k’wentang dahilan ko kung bakit ko nagawa ‘yon, gusto ko na lang sakalin ang sarili ko.” Mahina akong natawa pero kasabay no’n ay ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. “Labag man sa kalooban ko ang ginawa ko pero ‘yon na lang ang paraan na nakita ko para mailigtas ka sa matinik niyang mga kamay. Hindi totoo ang lahat ng ‘yon, walang totoo ro’n, alam natin pareho ang totoo but in order to save you I need to hurt you. Para maging malya ka, kailangan kitang durugin.” Umiiyak ang babae habang nakatingin sa akin. “Sandra, mahal na mahal kita, mahal na mahal kita kaya halos patayin ko na rin ang sarili ko no’ng mga oras na ‘yon no’ng

