KM32: CHANGED 2

1011 Words

Agad akong humarap sa likuran ko. “K-Kuya!” tawag ko sa kanya dahil sa gulat ko. Lumagpas ang tingin niya sa akin. “Ah, hinatid ako nina David at Ume,” sabi ko namang sagot kahit na hindi naman siya nagtatanong. Tumaas ng bahagya ang kaniyang mga kilay. “I didn’t ask,” malamig na saad nito. Sinasabi ko na nga ba, sasabihin niya iyon at tiyak na wala siyang pakialam. Nag-iwas siya ng tingin. “Wala naman akong pakialam kung sino pa ang maghatid sa ‘yo.” Pagkatapos no’n ay tinalikuran na niya ako at naunang maglakad papasok sa loob ng bahay. Ngayon na lang kami nagkausap pagkalipas ng tatlong araw? Apat na araw? Hindi ko na mabilang, magmula kasi no’ng umaga na ‘yon, minsan hindi ko na siya maramdaman. Hindi ko na maramdaman na nasa paligid ko lang siya. Sa ilang araw na hindi kami nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD