“Sandra!” masayang salubong sa akin ni Ysabelle. Nandito na pala sila ni David sa condo ni Ume at hinihintay ang pagdating namin. “Welcome home!” Ngumiti ako sa babae at agad na yumakap sa kaniya. “Hello, Ysabelle,” bati ko sakaniya. “Kumusta naman ang byahe niyo? Pagod ka ba? Gusto mo bang kumain muna o gusto mo ng matulog?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. “Babe, calm down, pagpahingahin mo muna siya,” awat sa kaniya ni David. Mukhang excited na excited si Ysabelle na makita ako. Ilang linggo palag naman kaming hindi nagkikita. Nakangiting tumingin sa akin si David. “Welcome home,” nakangiting bati nito sa akin. “Thank you,” sagot ko. “Kumusta ka na?” tanong nito at naupo sa tabi ko. Si Ysabelle naman ay naupo sa kabilang gilid ko kaya naman ngayon ay napapagitnaan na nila akong

