CHAPTER 97

1981 Words

Tahimik na itinulak pabukas ni Hades ang pinto ng silid kung saan naroroon si Proserpina. Lagpas hatinggabi na at natitiyak niyang tulog na ito. Tumambad sa kanya ang madilim na silid na natatanglawan lang ng mapusyaw na ilaw mula sa lampshade sa lamesitang nasa gilid ng higaan. Nasa kama ang dalaga at nakahiga patagilid. Bumaba na sa ilalim ng baywang nito ang kumot. Base sa pantay na pantay nitong paghinga ay masasabi niyang malalim na ang tulog nito. Lumapit siya rito at tumayo sa tabi ng kama, tinunghayan ang nakapikit na dalaga. Napakaganda ng mukha nito. Mapagmasdan niya lang ito ay umaaliwalas na ang pakiramdam niya. Buong araw siyang pagod sa pag-aasikaso ng mga obligyason niya sa Kratos at sa Vasileía, subalit sapat nang makita niya ito para gumaan ang kalooban niya. Kahit na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD