“Any new reports about Theus Alganza?” malamig na tanong ni Hades kay Morris. Nasa opisina siya ng mansiyon at nakaupo sa swivel chair sa likod ng solidong mesa. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Ilang linggo na siyang hindi makatulog nang maayos. Mahirap matulog nang mahimbing kung nagbabaga sa init ang katawan niya tuwing mapapadikit ang balat ng dalaga sa kanya. And he vowed to himself that he wouldn’t f*ck the kitten again. Maliban na lamang kung gugustuhin nitong magpaangkin sa kanya. But the kitten had never spoken a single word about wanting to feel him. She had not even suggested anything that would mean sleeping together. Ang tagal na buhat nang huli niya itong maangkin. It had been weeks already! And it’s killing him. Kailangan na ba niyang talikuran ang pangako niya

