Napaungol si Proserpina at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Hindi niya na alam kung paano siya nakatulog kanina. O nawalan ba siya ng malay? Napatingin siya sa kanyang kaliwang kamay. May bulak na nilagyan ng medical tape sa likod ng palad niya. Sa tabi ng higaan ay may infusion stand at IV fluid bag. The doctor must have given her an IV drip. Ang huling naalala niya ay nasa banyo siya kasama si Hades at sinabi nito sa kanya na baka dinadala na niya sa kanyang sinapupunan ang una nilang anak. Tuloy ay nahaplos niya ang tiyan. Magiging ina na ba talaga siya? At si Hades ang ama ng anak niya... Nakapa niya ang dibdib. Ang totoo ay hindi naman na ganoon kasama ang loob niya kay Hades, hindi tulad noong una silang magtagpo ulit pagkatapos ng isang taon. Whatever happened between them in th

