Trigger Warning: There are scenes of violence. Continue on your own discretion. _____ Nasa basement si Hades at nakaupo sa malaki at grandiyosong silya na gawa sa solidong kahoy. The chair was as black as the torturous night for the captives who were pleading for mercy. The elegant design of the chair was similar to the pieces of furniture in royal palaces. Tuloy ay tila siya makapangyarihang serpiyente na nakaupo sa pinakamataas na trono ng imperyo. Tuwid na tuwid ang likod niya at nakadekwatro ang mga paa habang ang kanang kamay ay nakapatong sa braso ng upuan at ang mga daliri niya ay maingat na tumatapik sa matalas na patalim. Ang mga mata niya ay titig na titig sa mukha ng taong nakaluhod sa harapan niya ngayon. Si Gonzalo. “Ano ang kasalanan ko sa iyo, de Crassus? Tinulungan kit

