Nagtungo si Proserpina sa Vasileía sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng madrasta at kapatid niya. Ang sabi ng mga ito ay magpagaling muna siya, subalit hindi na niya kayang tiisin ang paghihirap ng kanyang kalooban dala ng matindi niyang pangungulila kay Hades. Gusto na niya itong makita. Gusto niya itong makausap. Gusto niyang maintindihan kung bakit lumayo ito sa kanya. Baka mapag-usapan pa naman nila. Baka maayos pa nila. Kapag nakita siya nito ay natitiyak niyang manunumbalik ang damdamin nito para sa kanya kung sakali mang nabawasan o naglaho iyon. Pero posible bang maglaho na lang bigla ang malalim na emosyon ng isang tao para sa minamahal nito? Imposible naman iyon. Bago siya pumasok sa loob ng gusali ay tumingala muna siya sa matayog na kabuuan ng mataas na istruktura at pinun

