Wala na sina Hades at Lukas sa silid ni Proserpina sa ospital, pero naroroon pa rin ang tensiyon sa katawan niya. Ramdam niya pa rin ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang marinig niyang sinabi ni Hades kanina na papatayin nito ang bata sa sinapupunan niya kung sakaling may nabuo na sila. Wala sa loob na naidantay niya ang palad sa kanyang tiyan. Kaya ba talaga ni Hades na kitlin ang buhay ng anak nila kung totoo ngang nagdadalangtao na siya? Mariin niyang naipikit ang mga mata. Bakit ayaw maniwala ng puso niya? Hades could be the cruelest of all devils but not to her. Naniniwala siyang hindi siya nito kayang saktan nang ganoon. Naniniwala siyang hindi nito kayang patayin ang binhi nito sa sinapupunan niya kung mayroon man. Hades couldn’t be that heartless to her. He couldn’t be

