Pagbukas ni Sebastian sa kwarto ay umupo muna siya sa coach na nasa gilid ng higaan niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan si Red. Nag-ring ang cellphone nito at agad nitong sinagot ang tawag niya. "Hello, Mahal ko," pagkuwan ay wika niya. "Hello, Seb, nakarating ka na ba ng Batangas?" tanong ni Red sa binata. Katatapos lamang niyang maligo at pinapatuyo na lamang n'ya ang kanyang buhok habang nakaharap sa tokador. "Oo, Mahal ko, kadarating ko nga lamang." "Ano'ng ginagawa mo niyan?" "Heto, nakaupo sa couch. Ikaw ba?" tanong niya. "Heto katatapos ko lang maligo." "Ganoon ba? I miss you na, Mahal ko. Hindi maiwasan ni Sebastian na mag-imagine na nakikita niya si Red na bagong paligo at nakasuot lamang ng roba. Napalunok siya sa naisip. Ikiniling niya ang ulo par

