bc

THE JUAN THAT GOT AWAY

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
tragedy
twisted
sweet
bxg
campus
passionate
sacrifice
knight
like
intro-logo
Blurb

“Some people won’t love you, no matter what you do.” – Jane

“Some people won’t stop loving you, no matter what you do.” – Giovanni

Because of illicit romance, Jane has to free her beloved Giovanni. The two thought this was the right decision for their relationship but it was wrong. She realized how he meant for her but its too late to chase the forbidden love.

Sometimes love comes when you are not ready for it and leaves when you need it the most.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Nakaharap ako simbahan habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. Ito ang lugar na gusto kong puntahan pero natatakot ako. Natatakot ako dahil minsan sa buhay ko ay nagalit ako sa Diyos dahil sa mga bagay na gusto ko pero hindi binigay sa ‘kin. May mga panahon na tinanong ko sa Diyos kung bakit may mga tao na hiniling kong mapa sa’kin pero hindi naman binigay sa ‘kin? Why doesn't God give me everything I ask for? ‘The best way to find love is to find God.’ Hindi ako maka-Diyos na tao. Halos hindi nga ako marunong magdasal. Tinatawag ko lang ang Diyos pag may kailangan ako pero sa tuwing meron ako ay halos hindi ko man lang siya maalala. Masyadong malayo ang loob ko sa Diyos kaya rin siguro sa kaisa-isang taong hiniling ko na maging akin ay pinagkait niya na mapa sa ‘kin. Yes, I found love while searching God. Siguro nga pinadala siya sa ‘kin ng Diyos hindi para matuto ako kundi para makilala ko siya, makilala kong muli ang Diyos na akala noon ay tinalikuran ako. “Good morning.” Binati ako ng isang madre sa simbahan. Ngumiti ako sa kanya at nilibot ang paningin ko sa loob ng simbahang kinatatayuan ko ngayon. Malaki at malawak ang simbahan. May mga ilang larawan kung paano sinilang ang anak ng Diyos at may mga rebulto ng anghel na nakapalibot sa loob ng simbahan. Kapansin-pansin rin ang malaking chandelier on the ceiling. “Ako nga pala si Sister Elli. May hinahanap ka ba?” “Nandito po ba si Father Van?” tanong ko. Walang masyadong tao sa simbahan kundi ang mga taong tagapaglinis at ilang mga nagseserbisyo sa Diyos. Gaya nga nang sabi ko ay hindi ako malapit sa Diyos kaya maraming bagay ang hindi ko alam. Tumikhim ako nang mapansin kong nakatingin lang sa ‘kin si Sister Elli na para bang hinihintay niya kung anong sasabihin ko. Gusto ko lang makita si Father Van. “Nasa Confession room si Father.” Sabay turo niya sa isang pinto na may nakaguhit na ‘Confession Room’. Napatitig ako sa tinuro ni Sister Elli at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Nakatitig lang ako sa direksyon na tinuro niya at wala akong ibang inisip kundi anong nasa loob ng maliit na silid na ‘yun. “May tao pa sa loob, hija. Kung gusto mo ay pwede kang magpila sa labas at hintayin mong matapos sila.” Naghintay ako sa labas ng Confession Room. Habang hinihintay ko na matapos sila ay hindi mawala sa isip ko ang maaring pag-usapan na ‘min ni Father Van. Isa, dalawa, tatlo . .lima. Limang taon na rin pala ang nagdaan mula nong huli kong nakita at nakausap si Father Van. Ano na kayang itsura niya ngayon? Mas naging gwapo ba siya ngayon? Err! Ano ba ‘tong iniisip ko? Talaga bang pinagpapantasyahan ko pa si Father Van? Ang bagong pare sa aming baryo? ‘ Napatitig ako sa pintuan kung saan ko siya pwedeng kausapin. Never in my entire life na nakita ko ang sarili ko sa harap ng pinto na ito. Hindi ko nga lubos maisip na makakausap ko siya sa loob ng maliit na silid na ‘to. Nakita kong may isang lalaking lumabas at masyadong seryoso ang mukha. Now I wonder kung anong napag-usapan nila. Kahit naman sinong lumabas sa maliit na silid na ‘to ay may mabigat na pasanin. Well, except me. “Pwede ka nang pumasok, hija.” Huminga ako ng malalim saka ako tumayo at pumasok sa loob ng Confession room. Habang papasok sa loob ng maliit na silid ay hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Anong pumasok sa utak ko at naisipan kong pumunta rito at hanapin si Father Van? ‘Wake up, Jane! Limang taon na ang nakalipas at maaaring nakalimutan ka na niya. Baka nga ay nakalimutan niya na rin pati ang pangalan ko.’ “Hello, Father.” Bati ko kay Father Van pero hindi ko man lang maiangat ang paningin ko sa kanya. Umupo ako sa isang upuan malapit sa isang pader na may ilang butas. Hindi ko nakikita ang tao sa likod ng mga butas-butas na pader kung nasaan ngayon si Father. Gusto kong matawa dahil hindi ako sigurado sa ginagawa ko, ni hindi nga ako sigurado kung si Father Van ba talaga ang nasa kabila o ibang pare ang nandito. Huminga ako ng malalim at inangat ang paningin ko. Wala akong ibang nakita sa mga butas kundi puting tela at isang anino ng tao na nandoon sa loob. “Father . .” “Magandang araw sa ‘yo. Kinakabahan ka ba? Alam mo naman na lahat ng sasabihin mo ay mananatili sa kwartong ‘to at hindi malalaman ng kahit sino, ‘di ba? You can confess your sin and ask for forgiveness to God.” Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Pagkalipas ng limang taon ay ngayon ko lang muling narinig ang boses ni Father Giovanni. Mas naging buo at seryoso pakinggan ang kanyang boses. Siguro sa mga oras na ‘to ay hindi niya pa nakikilala ang boses ko dahil hindi man lang ako muling nagsalita. Natatakot ako na baka kung makilala niya na kung sino ang nasa harapan niya ngayon ay baka iwasan niya lang ako o baka iwan niya na lang ako sa loob ng Confession room.   Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang lahat. Teka, paano nga ba nagsimula ang lahat? “Father . .” napalunok ako saka ko pinaglaruan ang mga daliri ko dahil sa hindi maipaliwanag na kaba, “Father, ngayon lang ulit ako nakapasok sa loob ng simbahan. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa inyo pero gusto ko pong maging totoo sa mga oras na ‘to.” Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. “Lumaki po ako na hindi ko kilala ang Diyos. Oo, naririnig ko siya pero hindi ko siya kilala. Nong bata pa lang ako ay tinanong ko na sa sarili ko kung bakit maraming naniniwala sa tinatawag nilang Diyos gayong wala namang nakakakita sa kanya. It’s like a fiction for me. Para sa ‘kin ay gawa-gawa lang siya ng mga tao para makapanakot ng iba. Until I met this guy.” Muli kong sinulyapan si Father Van pero gaya kanina ay anino niya lang ang nakikita ko sa likod ng butas-butas na pader. “He is my classmate, my first crush and my first love.” Napangiti ako habang inaalala ang nakaraan. “Dahil sa kanya ay nakilala ko ang Diyos. Mas naging malapit ako sa simbahan, mas naiintindihan ko ang kagustohan ng Diyos at mas nakita ko kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Minulat niya ang mga mata ko sa mga bagay na hindi ko alam, sa mga bagay na tinatanong ko sa may kapal.  I found love while searching God.” Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang mapaluha. “Everything was perfect. And to make the story short, we broke up. Mas pinili niya ang Diyos kaisa sa ‘kin. At sa ikalawang pagkakataon muli kong tinanong ang Diyos kung para saan lahat ng napagdaanan na ‘ming dalawa kung hindi naman pala kami para sa isa’t-isa?” pinunasan ko ang luha sa mga mata ko habang inaalala ang mga pinagdaanan ko bago ako tuluyang nakabangon, bago ako tuluyang nakatayo ng mag-isa na walang galit sa kanya o kahit sa Diyos. “Jane . .” mahinahong sambit niya sa pangalan ko. Napangiti na lamang ako ng makilala niya kung sino ako. Hindi ko siya nakikita sa kabilang silid pero alam kong nakatitig siya sa kinauupuan ko ngayon. “Huwag kang magalit sa Diyos. May dahilan ang lahat –“ “May dahilan kung bakit niya tayo pinaghiwalay?” Muli kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Oo, ang lalaking tinutukoy ko ay walang iba kundi si Father Juan Giovanni Fuentabella. Siya ang lalaking nagpakilala sa ‘kin sa Diyos, siya ang naglapit sa ‘kin sa panginoon, ngunit dahil rin sa kanya kaya ako lumayo. “Hindi ko sinasabi lahat ng ‘to Father para magalit o sisihin ang Diyos dahil wala rin namang magbabago. Nakakatawa lang isipin na pagkatapos kong magalit, umiyak at tinanong ang Diyos, sa huli ay babalik rin pala ako sa kanya.” Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa kabilang silid. Kahit hindi ko siya nakikita, pinagdarasal ko na sana ay alam niya ang pinagdadaanan ko. Sana alam niya ang pinagdaanan kong sakit bago ako tuluyang nakabangon ngayon. “I’m getting married, Father.” Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko. “Pwede bang ikaw ang magkasal sa ‘min ng mapapangasawa ko? Gusto ko ng makalaya sa nakaraan, gusto ko ng matapos at matuldukan ang lahat. Sa harap mo at sa harap ng Diyos. Gusto ko muling sumaya kasama ang lalaking pakakasalan ko. Father? Pwede bang ikaw ang magkasal sa ‘min ng mapapangasawa ko?” hindi siya sumagot at nanatili kaming tahimik sa loob ng confession room. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
112.1K
bc

His Obsession

read
78.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook