CHAPTER 2
** JANE POINT OF VIEW **
5 YEARS AGO
I was shocked to see Giovanni at our batch reunion. Seven years after graduation in high school, mas lalong kumisig ang class ‘adonis’ ng aming klase. Marami sa mga kaklase ko noon ay hayagang nagpaparamdam ng pagkagusto sa kanya. Hindi mo naman maiiwasan ‘yun lalo pa at isang mala-Zeus ba naman ang maging ka-klase mo. Pero ako, eversince, inilihim ko ang pagtingin ko sa kanya. Sino ba naman ako sa loob ng klase na ‘min? Isa lang naman akong nerd, palaging cleaners at kung tawagin ay sipsip ng aking mga kaklase. I also didn't have the courage to tell him how I felt towars him because my classmates would definitely tease me.
“Ang gwapo talaga ni Van kahit noong high school pa lang tayo. Hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagwapohan. Idagdag pa ang kanyang abs na bakat na bakat sa kanyang suot na white t-shirt.” Narinig ko pang sabi ng katabi kong si Shane. Oo nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kilala kong Giovanni. Mula nong huling pagkikita na ‘min nong graduation at hanggang ngayon ay parehong-pareho pa rin ang paglalarawan na ‘min sa kanya ng mga kaklase ko.
Ang pinagtataka ko lang kay Giovanni ay kahit na marami ang may gusto sa kanya, not even once ay nagkaroon siya ng girlfriend. Siguro may naging girlfriend siya pero hindi ‘yun lumabas sa loob ng campus. He’s straight, I know and I believe that. Kahit na nga ang mga girls na may gusto sa kanya noon, hindi nag-isip na maybe he’s plying his goods on the other side.
The reason, gusto niyang magpari. Napakabait ni Giovanni sa mga classmates na ‘min kahit noon pa. Very friendly at sa apat na taon na naging kaklase ko siya sa iskwelahan ay wala akong nabalitaan na nakagalit niya. Minsan nga iniisipan ko siya ng masama tulad na lang na baka sinusuhulan niya na lang ang mga kalaban niya dahil sa yamang taglay ng pamilya niya. Bunos pa nga na he’s the brightest sa aming klase. Halos lahat ng babae sa school ay tinitingala siya pero sa kabilang bahagi ng utak ko ay maaring may tinatagong maitim na budhi rin itong si Giovanni. Napailing na lamang ako sa aking naisip. At talagang inisipan ko pa ng masama ang isang tulad ni Giovanni? Psh!
Nakita ko kung gaano siya kalapit kay Lord. Sakristan noon sa aming parokya si Giovanni, and every telltale sign says na ang paglilingkod kay Lord ang tatahakin niya.
“Hi, Jane! Kamusta? Narinig ko kay Lyka na model ka na pala ng isang sikat na women’s magazine. That’s nice!” sabi ni Giovanni nang makalapit siya sa aming table. Oh, God! Kanina lang ay nasa isip ko siya pero ngayon ang nasa harapan ko na siya. My gosh! Talaga bang ako ang kinakausap niya?
Narinig niya kay Lyka? ‘Yun talagang best friend ko ay may pagka-chismosa. Mabilis akong nag-isip ng isasagot ko habang kinakamusta rin niya ang ibang kasamahan ko sa loob ng venue. Ibig bang sabihin nito ay talagang pinagtanong niya ako? Pero bakit? Namuo ang katanungan sa aking isip kung bakit naging interesado sa ‘kin ang lalaking tulad ni Giovanni. Nanaginip ba ako? Hindi pa rin ako makapaniwala na naisip niya ako at talagang naalala niya pa ang pangalan ko.
The thought made me uneasy habang kaharap siya.
“Bakit parang natahimik ka, Jane? Nakita kita kanina ang saya mo at tawa nang tawa habang kausap ang mga batchmates na ‘tin. Hindi ka ba masaya na kausap ako?” napalunok ako sa sinabi niya. Bakit ang straightforward niya namang magsalita? At ano daw? Nakita niya ako? Talaga bang pinagmamasdan niya ako sa malayo? Pero bakit?
Gusto kong mahimatay sa lakas ng pintig ng puso ko. Parang kailan lang ay halos hindi niya ako magawang lingunin tapos ngayon ay kinakausap niya na ako? At pinagmamasdan? Oh, God! Hindi ako makapaniwala sa iniisip ko. Kahit kailan ay hindi ‘to sumagi sa isip ko, kahit noong high school pa lang kami.
“Hindi naman sa ganoon. Alam mo, hindi ko talaga ini-expect na makikita kita rito. Hindi ba nasa seminaryo ka? Magpapari?” talagang pinigilan kong mautal lalo pa at nakatitig siya sa ‘kin. Never in my life na maisip na magkakausap kami ng ganito ni Giovanni. Nakatitig siya sa mga mata ko at pinagmamasdan ang paggalaw ng mga labi ko. Tila nanlalamig ang aking mga kamay pati ang aking mga paa. Nararamdaman ko pa ang panginginig ng aking tuhod dahil sa lambot ng boses niya na tila naging musika sa tenga ko.
“I got out.” Pahayag niya na para bang normal lang sa kanila na lumabas. Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya.
“Hindi ka na ba magpapari?” hindi naman halata sa boses ko na excited ako, ‘di ba? Tumikhim ako para maiwasang mapangiti habang tinatanong ang bagay na ‘yun. Psh! Hindi naman sa ini-expect ko na manliligaw siya ngayon sa ‘kin kung hindi na siya magpapari. Teka! Hindi pa nga ito binibigay ang sagot at naging advance agad ang sagot sa utak ko. “Bakit?” tanong ko sa kanya at tiningnan ang mga batch na ‘min na busy rin sa pakikipagkamustahan sa mga classmates na ‘min noon. Ako lang ba, o talagang wala silang pakialam na nag-uusap kami ngayon ni Giovanni? Oh, gosh! He is Juan Giovanni Fuentabella, the heartthrob of Federico Academy.
“Ang ibig kong sabihin ng paglabas, nasa regency period ako ngayon. ‘Yun ‘yung panahon na lumalabas ang mga semenarista upang makihalubilo uli sa lipunan. To live normally with family and friends . .like you.” Napalunok ako sa naging sagot niya.
At kailan pa kami naging friends? Halos hindi ko matandaan na naging magkaibigan kami noong high school kami at halos hindi nga kami nag-uusap. Minsan ko lang siya kinakausap at ‘yun ay kung pinapatawag siya ng teacher na ‘min. Ewan ko lang kung pakikipag-usap pa rin ba ang tawag do’n?
So, lumabas sila ngayon upang makipaghalubilo? Now, I’m curious!
“Para ba itong test sa inyo? Forgive my ignorance, ha? Wala kasi akong alam tungkol sa bagay na ‘yan.” I was trying to light up our conversation at kunwareng tumitingin sa mga classmates na ‘min na busy rin sa kanilang mga kausap. The truth is, wala na akong pakialam sa tao sa paligid na ‘min dahil nakatuon ang atensyon ko sa katabi ko na ngayon ay busy sa pakikipag-usap sa ‘kin. Mas nasanay yata ako na pinagmamasdan ko lang siya sa malayo kesa tong nandito siya sa tabi ko at kinakausap ako.
“You could put it that way. Ito ‘yung panahon na tinutuklas ng isang tao kung ano ba talaga ang calling niya sa buhay? Tulad ko, kung pagpapari ba talaga ang calling ko.” tiningnan ko siya at nakangiti lang siya sa ‘kin. Stop that look! Natutunaw ko!
“Well I hope, you really discover where you are going and what you really want, Giovanni.” I said genuinely.
“Thank you, Romanie Jane.” Parang tinatambol ang puso ko habang sinasabi ni Van ang buong pangalan ko. Parang kailan lang nong sinabi ko sa mga kasamahan ko sa trabaho ko na ayaw na ayaw kong tinatawag ang buong pangalan ko tapos heto ako ngayon at kinikilig habang binabanggit ni Giovanni ang aking pangalan.
What’s wrong with you, Jane?