CHAPTER 3

1374 Words
CHAPTER 3 ** Romanie Jane Point of View ** Nagpaalam sandali ang mga kasama ko. Naiwan kaming dalawa ni Giovanni na nag-uusap sa lamesa na ‘min habang ang ibang kasama na ‘min ay busy rin sa pakikipag-usap sa mga close friend nila. Pagkuwa’y tumunog ang isang romantikong kanta na sumikat noong aming kapanahunan. Nagtinginan kaming dalawa ni Giovanni at hindi ko inaasahan ang sumunod niyang binitawan na salita. “Shall we dance, Jane?” inilahad niya ang kanyang kamay sa ‘kin at hinihintay na hawakan ko ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa pintig ng aking puso. Kanina lang ay sinabi kong halos hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya at kausap ngayon. Tapos heto pa at inaanyaya niya pa akong sumayaw? “Ha? Ah . .Sure!” may pag-aalinlangan kong sagot. Mabilis ang pintig ng aking dibdib nang mga sandaling naglalakad kami ni Giovanni papunta sa dance floor. He held my hand and looked straight into my eyes and smiled. Sa buong buhay ko ay hindi ko man lang naimagine ang sarili ko na maisayaw ng isang Giovanni Fuentabella. Sa mga oras na ‘to ay pakiramdam ko ay ako si Cinderella na isinasayaw ng kanyang prinsipe. Masaya, nakakatuwa at nakakakilig. Ngunit tulad sa kwento ni Cinderella ay hihintayin ko na lamang ang alas dose at muli kaming maghihiwalay. We dance. Ngayon ko lang mas napagmasdan ng ganito kalapit ang mukha ni Giovanni. Lalo siyang gumwapo sa ‘king paningin. Si Giovanni, halos hindi rin mapuknat ang pagkakatitig niya sa akin. Para tuloy akong malulusaw sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko ay kinukurente ang aking buong katawan habang sabay kaming idinuduyan sa saliw ng isang romantikong kanta. “Giovanni, parang nakatingin silang lahat sa ‘yo?” nauumid kong sabi. “Really? Hindi kaya nakatingin sila sa ‘yo, Jane?” inangat ko ang paningin ko sa kanya at napansin kong sa ‘kin lang nakatitig ang mga mata niya mula kanina pa. “Sa ‘yo sila nakatingin, Jane. Dahil para kang prinsesa sa ganda mo ngayon. Opps! Don’t get me wrong. Kahit nong high school pa lang tayo ay umaangat na ang kagandahan mo sa mga kaklase na ‘tin.” Hindi ko malarawan ang naging reaksyon ng mukha ko sa sinabi niya. Tila umakyat sa mukha ko lahat ng dugo sa katawan ko. Bakit kailangan pang sabihin niya ang bagay na ‘yun? Parang may paro-parong lumilipad sa tyan ko at kinikiliti ang puson ko sa kilig. “Juan? Juan Giovanni?” napalingon kami sa isang babaeng lumapit sa ‘min ni Giovanni. Of course, sino bang makakalimot sa vice president sa classroom na ‘min na si Trinity. Siya lang namang ang die-hard-fan ni Giovanni. Agad natuon kay Trinity ang atensyon ni Giovanni na para bang hindi ako nag-eexist sa mundong ibabaw. Tumikhim ako at nagpaalam kay Giovanni na aalis na ako. Nakita ko pang parang ayaw niyang umalis ako pero pinigilan siya ni Trinity. Napabuntong hininga na lamang ako nang tuluyan na akong nakalayo sa kanila. Para bang nakahinga ako ng maluwag ngayong wala na si Giovanni sa harapan ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa banyo kung saan marami rin sa mga batchmates ko ang nakapila. “Jane, nagkita na ba kayo ni Lyka? Kanina ka pa niya kasi hinahanap.” Salubong sa ‘kin ni Rachel nang makalabas siya sa banyo. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kanina pa ako hinahanap ni Lyka? Nandito na pala siya. Tamang-tama dahil gusto ko siyang kausapin tungkol dun sa sinabi niya kay Giovanni. Gusto kong malaman kung anong napag-usapan nila at bakit nadawit ang pangalan ko? “Romanie! Oh, God!” muntik na akong maihi ako sa suot kong dress dahil sa paghila ni Lyka sa ‘kin palabas ng banyo. Darn it! Ako na ‘yung susunod na papasok sa banyo pero biglang sumulpot si Lyka. Great! “Kanina pa kita hinahanap.” Bulong niya saka tumingin sa paligid na ‘min. Medyo lumayo kami sa mga kabatch na ‘min at pumunta kami sa mas tahimik na lugar. “Wait!” pigil ko sa kanya nang mapansin kong hihilahin niya pa ako sa mas tahimik na lugar, “Can you save it later, Lyk? Naiihi na kasi ako –“ “No, Jane. Kanina pa kita hinahanap. Halos hindi ako tinatantanan ni Nicholas dahil sa kakahanap niya sa ‘yo. He’s been searching for you all day but we hear no words from you. Malalaman ko na lang na pupunta ka rito. Naisip mo bang baka sa mga oras na ‘to ay nababaliw na ang boyfrien mo –“ “Ex-boyfriend.” She rolled her eyes. He’s my ex-boyfriend at kahit mag-usap kami ay walang magbabago dun.  “Lyk, you knew that we already broke up since last year. Hindi ko na kasalanan kung hanggang ngayon ay ayaw niya pa ring tanggapin ang desisyon ko. I can’t take his possessiveness! Stop me!” napahawak ako sa puson ko, “And, please? Pwede na ba akong magbanyo? Because I really need to.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dali-daling pumasok sa banyo. Akala ko ay wala na siya pagkalabas ko sa banyo pero nakatayo pa rin siya sa labas at hinihintay ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Nicholas sa bestfriend ko at bakit hindi ito maka ayaw sa kanya. I mean, I’m her friend pero mas kinakampihan niya pa si Nicholas kaisa sa ‘kin. Now, I’m wondering kung bakit niya ako nabanggit kay Giovanni gayong mas boto pala siya sa ‘min ni Nicholas. I don’t get her! “Hey? Can you just have fun? Chill, okay?” salubong ko sa kanya. She looks stress! “Ano bang nangyari sa ‘yo?” napabuntong hininga na lamang si Lyka saka ito umupo sa malapit na couch kung saan kami nakatayo kanina. “I was so stress with Nicholas the whole day, alam mo ba ‘yun? Yes, you are my friend and he is my friend also. Hindi mo naman ako masisisi kung hindi ko kayang nahihirapan ang kaibigan, ‘di ba?” I rolled my eyes to her. “I’m your friend, too. Gaya nga ng sabi ko ay ayoko na sa kanya. He cheated on me.” Natahimik siya sa sinabi ko. Yes, she heard me right. Nicholas cheated on me. Hindi ko kilala ang babae niya dahil nahuli ko lang ang conversation sa cellphone niya. I don’t know the girl pero kilala ako ng girl. Of course she knew me. Ang pinagtataka ko lang ay bakit niya pinatulan si Nicholas gayong alam niya naman na may girlfriend na ito. I don’t understand her neurons or brain cells at nagawa niyang maging kabit ng boyfriend ko. After that ay nawalan na ako ng gana kay Nicholas and it ends our relationship. Typical break up, huh? “Can you just forget the past, Jane? Alam mo naman at nakita mo naman na nagsisisi na siya sa nagawa niya. Nakalimutan mo na bang muntik na siyang magpakamatay because of you?” “And you called it ‘love’? Come on, Lyka. Its obssession! You know what?” naiinis na sabi ko saka tumayo. “Can we just enjoy the night?” ilang segundo niya akong tinitigan na para bang nag-iisip saka ito napabuntong hininga at tumayo. “Sure. But you have to promise me one thing?” “What is it?” I smiled saka ko siya hinila papunta sa loob ng venue saka ko nilibot ang paningin ko and then I saw Giovanni again. “You will talk with Nicholas tomorrow. Promise me!” I rolled my eyes. “Lyk –“ “Just talk. Wala namang mawawala kung pakikinggan mo siya, ‘di ba?” napabuntong hininga na lamang ako at para matapos na ang lahat ay agad akong tumango saka pumayag sa gusto niya. “Okay. Now, you have to tell me kung anong sinabi mo kay Juan Giovanni Fuentabella?” nakangiting tanong ko habang papalapit sa table na ‘min kanina. Gosh! I will enjoy this night at baka hindi na maulit ang gabing ‘to. “Tell me more about him. Kinamusta niya ba ako sa ‘yo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD