Nakita ni Eric ang notification sa kaniyang social media account ang pag-accept ni Mateo Vera. Nasa kaalaman niya na babalik na rin ito ng bansa para simulan na ang paghawak nito ng maraming negosyo ng mga Vera. Parang kailan lang ang kabataan nila sa maliit na mundong ginagalawan bilang mga estudyante. Pero sa murang mga edad na iyon ay nakilkil na sa utak ni Eric na si Mateo ay kalaban. Na ang pagbagsak nito ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama. Si Don Jaime na ang tanging nasa isip ay ang maungusan ang mga Vera. Kung kaya maski madalas ay labag sa kaniyang kalooban ang mga ginagawa kay Mateo noon ay pinilit niyang gawin para mapansin ng ama. Anak sa labas si Eric. Ginagawa ni Eric ang mga kagustuhan ng ama para masiguro na makamtan nila ng ina ang kaginhawaan na ipinagkait ng

