Huling taon na sa kolehiyo ni Lanie at Eric. University student president na ito ngayon. Running for honors din silang dalawa. “Lanie, please sige na pumayag ka na,” pakiusap ni Eric. “Ayoko nga, Eric.” “Wala kang gagastusin dito, may cash prize pa bukod sa mailalagay ka sa history ng unibersidad kapag nanalo ka rito. At tiyak ko na napakalakas ng laban mo.” “Eric, nakikita mo ba ako na may make up? Bukod sa school uniform, pambahay lang ang laman ng cabinet ko.” “Kaya nga, yun org na ang bahala sa lahat ng gagamitin mo. Engineering na lang ang walang pambato. Bilang central student president, nakakahiya naman na walang representative sa mismong kurso ko.” Tumigil si Lanie sa paglalakad. “Ganon? Kaya pala gusto mo akong isali kasi nahihiya ka para sa image mo. Hindi mo ba naiisip na

