SUMAMA SI MATEO sa paglilibot ng pamilya nito sa recreational facilities ng condominium. Nang makarating sa infinity pool, inalok niya na magkape ang mag-iina sa coffee bar dito. Tumanggi si Aling Lina at hiniling na bumalik na sa condo unit ni Lanie. Madaling araw pa sila umalis ng Mindoro at napuyat nang nakaraang mga araw kaya biglang napagod. Hiniling nito na samahan niya ang anak na si Lanie na puntahan ang ilan pang mga pasilidad ng condo. Anito ay ngayon lang uli nakakita ito ng kaibigan. Maski pa nung nasa ibang bansa ito ay wala itong ginawa kundi mag-aral at mag-trabaho. 'Pag matapos ang break nito sa loob ng dalawang linggo, babalik na naman ito sa dating nakasanayang gawain. Ang magpaka-subsob sa trabaho. “Tell me about the reunion na nabanggit kanina ni Lei,” si Mateo. “I

