Diba... Patay ka na?!
Clang! Cheers!
Ang mga kristal na baso ay naglalapat habang ang masiglang tawanan at masarap na usapan ay bumalot sa ballroom ng Grand Horizon Hotel. Ang mga chandelier ay kumikislap sa ilaw, at ang bawat sulok ng bulwagan ay puno ng mga kilalang tao—mga lider ng industriya, politiko, at mga kilalang pamilya sa negosyo.
Ang Aurora Ventures Inc., isang kumpanya na kilala sa larangan ng renewable energy at teknolohiyang pangkalikasan, ay ipinagdiriwang ang kanilang ikatlong taong anibersaryo. Sa maikling panahon, napatunayan nito ang sarili bilang isa sa pinakamabilis na lumalaking kumpanya sa bansa, salamat sa kanilang inobatibong mga proyekto at matibay na network ng mga partner.
Sa gitna ng kasiyahan ay si Gayle Rodriguez-Sandoval, ang CEO ng Aurora Ventures, na naka-eleganteng damit na kulay emerald green. Sa isang kamay ay may hawak siyang baso ng red wine, habang mahinhing nakangiti sa mga bisitang bumabati sa kanya. Sa tabi niya ay si Victor Sandoval, ang kanyang asawa, na kilala hindi lamang sa kanyang apelyido kundi sa kanyang impluwensya sa mundo ng negosyo.
"Honestly," sabi ni Victor na may ngiting mapagkumbaba, "lahat ng ito ay dahil kay Gayle. She's the backbone of Aurora Ventures. Her dedication and hard work brought this company to where it is today."
Bahagyang yumuko si Gayle, ang kanyang mga mata ay malambing na nakatingin sa mga bisitang nakikinig kay Victor. Ngunit kahit tila nagpapakumbaba ang asawa niya, hindi maikakaila ang bahid ng kayabangan sa kanyang boses.
"Come on, Victor," sabi ng isang negosyanteng naka-gray suit, habang iniangat ang kanyang baso. "Galing ka sa pamilya Sandoval. Syempre, your influence must have played a part."
Victor chuckled at bahagyang umiling. "No, no," sagot niya. "Gayle worked hard for this. I'm just lucky enough to stand beside her success."
"Such a humble couple," sabat ng isa pang babae habang tinatapik ang braso ni Gayle. "But let's not forget, Victor, your guidance must have helped a lot."
Ngumiti lamang si Gayle, nagpasalamat sa mga papuri habang mahinahong nakikisalamuha.
Hindi nagtagal, lumapit si Mira Santiago, ang personal assistant ni Gayle, suot ang simple ngunit elegante niyang black dress. May dala siyang wine glass at nagbigay ng magalang na ngiti. "Ma'am Gayle," bati niya, "congratulations on another milestone. Aurora Ventures is truly an inspiration to many."
"Thank you, Mira," sagot ni Gayle na may mapagpakumbabang ngiti. "But don't forget, your hard work has also been a part of this success. I really appreciate everything you do."
Nagpasalamat si Mira at nagpaalam upang kausapin ang iba pang bisita. Samantala, ilang mga business partners naman ang lumapit kay Gayle upang pag-usapan ang bagong joint ventures. Mahinahong nakinig si Gayle habang iniikot ang tangkay ng kanyang wine glass.
Sa kabilang banda, lumapit si Mira kay Victor na nagmamasid mula sa isang sulok. "Sir Victor," sabi niya habang iniabot ang isang baso.
"Cheers to success," sagot ni Victor habang tinatanggap ang baso. Nag-clink ang kanilang mga baso, at ngumiti si Victor. "You've done well, Mira. Malaki ang naitutulong mo."
Ngumiti si Mira nang malandi at marahang hinawakan ang kamay ni Victor. "Huwag kang mag-alala, Victor," sabi niya sa mababang boses. "You'll see. I'll make sure everything goes well tonight."
Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago ngumiti si Victor nang may nakakaalam na ngiti. Muli silang nag-toast, ngunit sabay silang tumingin kay Gayle na abala sa pakikisalamuha sa ibang bisita. Ang mga mata nila ay puno ng masamang balak.
Samantala, si Gayle ay nakatayo malapit sa isang grupo ng mga negosyante. Lumapit si Arnold Valdez, isang kilalang entrepreneur na nasa larangan ng construction.
"Ms. Gayle," sabi ni Arnold habang iniabot ang kamay, "congratulations on another successful year. You've truly made Aurora Ventures a benchmark in this industry."
Ngumiti si Gayle at marahang kinamayan si Arnold. "Thank you, Mr. Valdez. But really, it's not just me. It's the entire team that makes everything possible."
"Modesty aside," sabi ni Arnold na bahagyang natawa, "it's your leadership that inspires everyone. Speaking of which, I'd like to introduce you to someone." Lumingon siya at tinawag ang isang lalaki. "Eric! Halika dito."
Lumapit si Eric Santos, isang binatang nasa late 20s, naka-dark gray na suit at may dalang propesyonal na aura. "Ms. Gayle, this is Eric Santos. He recently started his own company, GreenEdge Solutions. They're focusing on sustainable energy solutions, just like Aurora Ventures."
Ngumiti si Eric at magalang na iniabot ang kanyang kamay. "It's such an honor to finally meet you, Ms. Gayle. I've been following your journey in the industry, and I must say, you're a true inspiration."
Nagpasalamat si Gayle at mapagkumbabang ngumiti. "That's very kind of you, Mr. Santos. I've heard about GreenEdge Solutions. It's promising to see more companies venturing into sustainable energy."
"I admire what you've done with Aurora Ventures," sagot ni Eric. "It's not just about profit—it's about creating real change. That's what inspired me to start my own company."
Nagningning ang mata ni Gayle. "That's a great mindset, Mr. Santos. Tell me, what projects are you currently working on?"
"Well," sagot ni Eric, "we're focusing on solar-powered microgrids for rural areas. It's still in the initial stages, but the potential impact is immense. We believe it can empower communities and provide them with a sustainable source of energy."
Tumango si Gayle, kita ang tunay na interes sa kanyang mga mata. "That sounds incredible. If there's any way I can help or collaborate, let me know. I'd love to support initiatives like that."
Ngumiti si Eric. "Thank you, Ms. Gayle, but I actually have a different project I'd like to discuss with you someday. It's something new and innovative, and I think it aligns well with Aurora Ventures' mission."
"Oh?" tanong ni Gayle na bahagyang nagulat. "That sounds intriguing. Let's set a meeting to talk about it. For now, let's just enjoy the evening."
"Agreed," sagot ni Eric habang itinaas ang kanyang baso. "Cheers to new beginnings and partnerships."
Nag-toast sila, ngunit biglang sumingit si Arnold. "Eric's project is quite ambitious, Ms. Gayle. I think you'll find it fascinating when the time comes. But, as he said, let's keep it a mystery for now."
"Now you're making me even more curious," sabi ni Gayle na tumatawa. "Alright, I'll wait for your big reveal."
"Trust me," sagot ni Arnold na may misteryosong ngiti, "it's worth the wait."
Habang kausap si Arnold Valdez at Eric Santos tungkol sa bagong proyekto ng GreenEdge Solutions, lumapit ang isang babae na nasa maagang 30s, naka-eleganteng navy blue gown at may dalang kumpiyansa sa kanyang kilos.
"Ms. Gayle," bati ng babae habang iniabot ang kamay, "I'm Clarisse Yao, representing Zenith Innovations. It's such an honor to meet you."
Ngumiti si Gayle at kinamayan si Clarisse. "It's nice to meet you, Ms. Yao. I've heard about Zenith Innovations. You're doing great in the tech industry."
"Thank you, Ms. Gayle. I hope someday we can have a collaboration," sagot ni Clarisse.
"Of course," sagot ni Gayle, magalang at bukas ang tono. "I always enjoy meeting rising businesses like yours. Let's set a date soon to discuss potential partnerships."
"Looking forward to that," sagot ni Clarisse bago siya magpaalam at bumalik sa kanyang grupo.
Habang nagpapatuloy ang usapan, lumapit si Peter White, naka-charcoal gray suit at may pilyong ngiti sa labi. Isa siya sa pinakamalalaking kakumpitensya ni Gayle sa industriya, ngunit sa kabila ng kanilang kompetisyon, mayroon silang mutual respect at malusog na pagkakaibigan.
"Well, well," sabi ni Peter na nakangiti. "Congratulations, Ms. Sandoval. Another milestone for the number one company in the industry."
Ngumiti si Gayle at bahagyang natawa. "Thank you, Peter. I'm glad you could make it tonight."
"Sayang naman kung hindi," sagot ni Peter na nagbibiro. "I wouldn't miss the chance to celebrate with the top player in the market."
Natawa nang mahinhin si Gayle. "Napaka-humble mo naman. Ang liit lang naman ng agwat natin sa rankings."
Napangiti si Peter. "That's why you're my favorite competitor." Tumigil siya at tumingin kay Gayle. "So, what's next for Aurora Ventures?"
Nag-isip si Gayle sandali bago sumagot. "We're planning to expand our operations to reach more rural areas. There's so much potential in untapped markets."
Tumango si Peter, kita ang admiration sa kanyang mukha. "That's a great plan. If you ever need support or a partner, you know I'm always open."
Ngumiti si Gayle bago inangat ang kanyang baso. "Thank you, Peter. Cheers to healthy competition and future opportunities."
Nag-toast ang dalawa, ngunit bago pa man magpatuloy ang kanilang usapan, lumapit ang isang babae na hindi pamilyar kay Gayle. Naka-black dress ito at mukhang reserved ang kilos. Iniabot ng babae ang isang baso ng wine kay Gayle.
"Congratulations, Ms. Gayle," sabi ng babae habang ngumiti nang bahagya.
Bagamat hindi niya kilala ang babae, magalang na tinanggap ni Gayle ang baso at nakipag-toast. "Thank you," sagot niya bago siya ngumiti.
Ngumiti rin ang babae at sinabing, "Enjoy the rest of the evening," bago mabilis na umalis.
May bahagyang pagtataka sa mukha ni Gayle habang sinusundan ng tingin ang babae. Hindi niya maalala kung saan niya ito nakita o kung kasama ito ng isa sa mga bisita, ngunit binalewala niya ito.
Habang papalayo, biglang sumakit ang kanyang ulo at unti-unting umiikot ang kanyang paningin. Hinawakan niya ang kanyang sentido at napatigil sa paglalakad.
"Gayle!" tawag ni Victor habang mabilis na lumapit sa kanya at inalalayan siya. "Are you okay? Ano'ng nangyayari?"
"I... I don't know," sagot ni Gayle habang nakahawak sa braso ni Victor.
Humarap si Victor sa mga bisita at ngumiti nang bahagya. "Excuse us, everyone. Mukhang nakarami na ng nainom si Gayle. I'll just take her home. Please, enjoy the rest of the evening."
Inalalayan ni Victor si Gayle palabas ng ballroom habang ang ibang bisita ay nagpatuloy sa kanilang kasiyahan. Pagkalabas nila, sumunod si Mira sa likuran na may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha—isang tila matagumpay na ngiti.
.....
....
...
Isang linggo na ang lumipas matapos ang engrandeng selebrasyon ng Aurora Ventures Inc., ngunit kasabay ng tagumpay nito ang isang nakakagulat na pangyayari—ang biglaang pagkawala ni Gayle Rodriguez-Sandoval. Ang press conference na inorganisa ni Victor Sandoval ay puno ng mga reporter, photographers, at curious na negosyante, lahat naghihintay ng paliwanag.
Tumayo si Victor sa harap ng podium, nakasuot ng maayos na dark blue suit, at tila malungkot ang ekspresyon.
"Good morning, everyone," panimula ni Victor, may halong lungkot sa boses. "It has been a week since the 3rd anniversary of Aurora Ventures, and my wife, Gayle, has gone missing."
Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga naroroon.
"Noong gabing iyon, lasing si Gayle kaya inihatid ko siya pauwi," patuloy niya. "Ngunit pagdating namin sa bahay at matapos siyang makatulog, paggising ko kinaumagahan, wala na siya sa tabi ko. Wala akong kaalam-alam kung saan siya nagpunta."
Tumabi si Mira Santiago, naka-black dress na tila nagpapakita ng pakikiramay. Pinahid niya ang kunwaring luha sa kanyang pisngi bago nagsalita.
"Totoo ang sinabi ni Mr. Victor," ani Mira. "Ako mismo ang naghatid sa kanila palabas ng event noong gabing iyon. Hindi ko maisip kung paano nangyari ito."
Habang umiiyak si Mira, napansin ng ilang reporter ang kakaibang ngiti sa sulok ng kanyang labi, na agad din niyang itinago.
Nagtaas ng kamay ang isang reporter mula sa harap. "Mr. Sandoval, anong balak ninyong gawin sa Aurora Ventures ngayong nawawala si Mrs. Gayle?"
Nagpakita ng kunwaring lungkot si Victor bago ngumiti nang bahagya, na tila nagpapakitang kaya niyang dalhin ang bigat ng sitwasyon.
"Hindi maaaring manatiling walang chairman ang kumpanya," sabi ni Victor. "Bilang legal na asawa ni Gayle, aakuin ko ang posisyon bilang bagong chairman ng Aurora Ventures."
Napatingin si Mira kay Victor, at hindi maipinta ang saya sa kanyang mukha, ngunit mabilis niya itong itinago sa ilalim ng kunwaring lungkot habang tumango-tango bilang pagsang-ayon.
Nagpatuloy si Victor, "Isa itong mahirap na desisyon, ngunit kailangan kong gawin ito para sa kinabukasan ng kumpanya. Sinubukan kong tawagan at i-text si Gayle araw-araw sa loob ng isang linggo." Hinugot niya ang kanyang telepono at ipinakita ang mga text, chat, at missed calls na naka-log sa kanyang device. "Ngunit wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya."
Inangat niya ang kanyang ulo, handa nang tapusin ang kanyang talumpati. "Simula ngayon—"
BLAG!
Biglang bumukas ang pinto ng conference room, at nagulat ang lahat sa pumasok. Isang babae na naka-white blazer at pencil skirt ang matikas na naglakad papasok, ang kanyang postura ay puno ng kumpiyansa at awtoridad.
Halos maputla si Mira at biglang napatayo sa kanyang kinauupuan. Nakaturo siya sa babae, nanginginig ang boses. "Multo! Diba... patay ka na?!"
Nanlaki rin ang mata ni Victor, na tila naubusan ng dugo sa mukha habang nakatitig sa babae.