KANINA pa pabalik-balik ng lakad si Eldritch sa loob ng kanyang studio apartment. Hawak niya ang ticket sa exhibit na ibinigay ng ina ni Kali. Ngayon ang huling araw para makita niya ang koleksyon ngunit heto siya at hindi pa rin nakapagdedesisyon kung pupunta ba sa gallery o hindi. A part of him doesn't feel worthy of seeing Kali's masterpieces. Probably because he knew Kali painted each one with pain in his heart. Pain he inflicted on Kali. Ngunit kung hindi naman siya dadalo ay baka magsisi siya sa huli. He misses Kali, too. Hindi niya maaaring aminin ang bagay na iyon kaya kahit man lang sa pamamagitan ng artworks nito ay parang nakasama na rin niya ito. He sighed. "Bahala na," he said to himself before he finally decided to change his clothes. Nagsuot siya ng simpleng polo shirt at

